Wednesday, May 18, 2011

you only know my name, not my story

'san tong ocho?' 'sa toyota lang ho!' 'para!'
ibinaba ako ni kuyang driver mga sampung metro lampas ng pedestrian lane.
basag basag ang kalsada, nakauka ang aspalto, buhol buhol ang trapiko!
patintero ang laro. pipituhan ka pa ng manong traffic enforcer at sisigawan ng malutong na 'HOY!'.
wag mo kong pituhan at sigawan!hindi ako nagbebenta ng laman! ang sagot ko.
isa si manong sa mga taong isinusuka ng kalsada. bakit nga naman kasi kung kelan may enforcer sa daan eh tsaka pa buhol buhol ang trapiko.. 
at isa ako sa isinusuka ni manong..na kung bakit kasi hindi ko ginamit ang pedestrian lane..
habang isinusuka ko si manong driver sa pagbaba nya sa kin sa malayong lugar..
kasabay ng kanyang pagsuka sa Maynilad sa perwisyong dinala nito sa lansangan..
isang ordinaryong sitwasyon, napakababaw..pero lahat ng ito ay may kasagutan, may paliwanag.
ang tanong, handa bang makinig sa yo ang mundo? o, gusto ba nilang marinig ang paliwanag mo?


Dito sa mapanghusgang mundo na karamihan sa mga tao ay hindi totoo, 
sari-saring puna at pagmamaliit ang maririnig mo. Wala kang magagawa kundi sabayan ang agos ng dinikta nilang laro. Kaya para sak'n dapat tayong maging ASTEEG!!!
nakita ko sa iilang tao ang katapangan at lakas ng loob na hinahanap ko. 
Nakakaya ng iilan na lulunin ang mga kamaliang nakikita kahit na alam nila na sinusuka tayo nito. Malaya dapat nating naipapahiwatig ang nais isigaw ng 
ating puso kahit na mahirap tayong tanggapin ng ginagawalan nating mundo. 
Kaya naman lubos akong natutuwa sa mga nakakasakay ko sa aking bangka, makakaasa 
kayong hindi ito tataob dahil sa iyong pagtitiwala. Pero kung dumating man 
ang panahong bababa kayo dito't sasakay sa iba, lagi niyong sanang tandaan na ang 
bangka ko'y laging maghihintay hanggang dumating ang araw ng muli niyong pagsakay...



hindi ko pangarap na maunawaan ako ng lahat, una dahil ito ay imposible at pangalawa, nakakapagod magpaliwanag ano! may mga taong papasok sa buhay ko, maaring pakinggan nila ang aking storya, sumama sila sa casting, at umalis..


may mga taong makikilala ako sa aking pangalan, pero hindi malalaman ang storya ko..
at sa mga ilang istorya na ibabahagi ko dito, alam kong may ilan na sasakay sa aking bangka.
sabi ng marami magaling ako makitungo sa lahat ng uri ng tao, kung nakakapagsalita nga rin daw ang tae, malamang kaibigan ko na rin ito..
muli akong babalik sa pagsusulat..
ang kwento ko
at ang kwento mo
sige na nga
pati kwento ng matigas na tae sa inidoro - blog!blog!